Add parallel Print Page Options

40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga (A)tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng (B)Panginoon ng Dios ng Israel.

41 At sinaktan sila ni Josue mula sa (C)Cades-barnea hanggang sa (D)Gaza, at (E)ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.

42 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Read full chapter